Posted
November 25, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Binuksan na kahapon sa publiko ang bagong lane o kalsada
papuntang bayan ng Malay mula sa Caticlan Airport.
Ito’y matapos isarado ng TransAir ang way na papuntang
bayan ng Malay dahil sa expansion project ng nasabing paliparan na gagawing
International airport.
Makikita naman sa bagong gawang kalsada ang dagat na
katabi mismo nito na nagiging atraksyon sa mga dumaraang motorista.
Nabatid na malaking area ang nasakop ng Caticlan airport
kabilang na ang isang pampublikong paaralan sa nagpapatuloy na construction
kung saan inaasahang magbubukas ito sa taong 2018.
Samantala makikita naman sa bayan ng Nabas ang kaparehong
gawang kalsada na kadugtong din ng Caticlan Airport.
No comments:
Post a Comment