YES THE BEST 911 BORACAY

Tuesday, November 24, 2015

Dialogue sa mga construction worker sa Boracay nakatakdang isagawa ng BTAC

Posted November 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for oracay Tourist Assistance Center (BTAC)Naaalarma na umano ngayon ang Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) dahil sa kadalasang pagkakasangkot ng mga construction worker sa ibat-ibang gulo sa Boracay.

Ayon kay Police chief Senior Inspector Fidel Gentallan, bababa na umano sila ngayon sa mga Brgy. Level sa isla para matutukan ang construction worker sa Boracay na kalimitang nagiging laman ng blotter report ng BTAC.

Sinabi ni Gentallan na may mga dayalogo na umano sila sa mga brgy. Captain tungkol dito kung saan magkakaroon umano sila ng eskedyul sa Area of Responsibility ng mga construction site sa Boracay para maipresinta sa mga ito ang crime statistic.

Maliban dito, kasama sa dialogue ng BTAC ang mga project engineers na siyang humahawak ng mga nasabing construction workers upang maibahagi din sa mga manggagawa ang mga bagay na maaari nilang kakaharapin sa oras na masangkot ang mga ito sa gulo.

Nabatid na marami ng serye ng insidente o krimen sa isla na sangkot ang mga construction worker kung kayat ganito na lamang ang pagkabahala ngayon ng Boracay PNP.

Napag-alaman na ang mga constriction workers sa Boracay ay mula pa sa ibat-ibang lugar sa probinsya at sa mga kalapit na lalawigan kung kayat bihira lang din ang mga itong umuwi sa kanilang mga lugar.

No comments:

Post a Comment