YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, November 26, 2015

Red Cross Youth ng Boracay-Malay Chapter sumailalim sa YPE Training

Posted November 26, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay

Sumailalim sa Youth Peer Education (YPE) Training ang Red Cross Youth ng Boracay-Malay Chapter nitong November 20-22 sa Eurotel Boracay.

Ayon kay Head Officer Marlo Shconenberger ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay at dating PRC-Administrator,  ang ginawa umano nilang training ay para mapalawig ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa maagang pagbubuntis.

Maliban dito tinalakay din umano ng mga imbitadong speaker na sina Arbie Aspiras, Nurse ng MHO ang tungkol sa Sexually transmitted Disease habang Substance Abuse naman ang kay SPO4 Christopher Mendoza ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).

Samantala, sinabi ni Shconenberger na ang programa ng YPE ay para maprotektahan at mas maturuan pa ang mga kabataan sa Boracay na maging handa sa mga nasabing usapin at upang maging tulay din sila sa pag-bibigay ng kaalaman sa ibang mga kabataan.

No comments:

Post a Comment