Posted November 26, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mainit na tinalakay sa ika-42nd SB Session ng
Malay nitong Martes ang tungkol sa nangyaring alitan sa pagitan ng isang MAP
member at ng grupo ng Muslim sa Boracay.
Ito ang naging laman ng privilege hour ni SB member Rowen
Aguirre matapos ang nangyaring bangaan
ng dalawang grupo nitong nakaraang Sabado kung saan sinita ng MAP ang
sinasabing illegal vendor na Muslim sa station 2 beach front.
Dahil dito, ikinalungkot ni Aguirre ang nasabing
pangyayari kung saan dalawang beses na umano itong nangyari na nabugbog ang MAP
dahil lamang sa paninita sa mga pasaway na vendor sa isla.
Kaugnay nito nagdisisyon si Aguirre at ang buong konseho
na ipatawag sa Session ang MAP na umano’y binugbog at ang grupo ng Muslim na
kinabibilangan umano ng anim na kalalakihan na sinasabing nambugbog sa MAP
member.
Maliban dito ipapatawag din sa nasabing session ang
Boracay PNP at ang iba pang Law Enforcers sa Boracay na nag-iimplimenta ng mga
kautusan at o ordinansa ng LGU laban sa mga illegal at ambulant vendors sa
Boracay.
Samantala, ikinadismaya naman ni SB member Floribar Bautista
ang pagkakaroon parin ng mga nasabing illegal vendor sa kabila ng marami namang
nagbabantay na law enforcers sa beach area.
No comments:
Post a Comment