Posted November 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Bumaba umano ngayong 1st at 2nd quarter
ng taong 2015 ang naitatalang untoward incident sa Boracay kumpara noong
nakaraang taon ng kapareho ring quarter.
Ito ang sinabi ni Police chief Senior Inspector Fidel Gentallan
ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) base sa kanilang mga naitatalang
blotter report.
Ayon kay Gentallan, ito umano ay marahil na rin sa
kanilang ginagawang mahigpit na pagbabantay sa seguridad at ang 24-oras na
operation sa buong isla ng Boracay.
Bagamat may mga naitatala paring insidente kagaya ng mga
nakawan tiniyak naman ng BTAC na babawasan nila ang ganitong problema sa isla.
Sinabi pa ni Gentallan na mahigpit nilang minomonitor
ngayon ang mga grupo ng mga menor-de edad na pagala-gala sa Boracay na siyang kalimitang
suspek sa nakawan sa beach area.
Samantala, naka-tuon din ngayon sa seguridad ang Boracay
PNP sa kaso ng mga insidente sa isla kagaya ng physical injuries at petty
crimes upang matiyak ang kaligtasan ng Boracay at ng mga turistang dumadayo
rito.
No comments:
Post a Comment