Posted November 23, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Hindi na ngayon mahagilap ang bayaw ng isang Muslim sa
Boracay matapos umano siya nitong nakawan sa Sitio. Ambulong Manoc-manoc
Boracay, Malay, Aklan kahapon.
Perang nagkakalaga ng P50,000 ang natangay mula sa biktimang si Alibasher Sarip 25-anyos residente ng Marawi City at temporaryong nakatira sa nasabing lugar.
Sa report ng biktima sa Boracay PNP, sinabihan umano siya ng kanyang asawa na nawawala ang kanilang pera na nakalagay sa isang improvised wooden vault sa loob ng kanilang kwarto.
Ayon sa biktima may bakas na ginamitan ng screw driver
ang vault para ito’y mabuksan kung saan sinasabing ang huli lang umano nilang
kasama sa bahay ay ang kapatid ng kanyang asawa na si Jalal Mangundatu 21-anyos
na bayaw nito.
Sa ngayon, pinag-hahanap na ng mga otoridad ang suspek na
tumangay sa nasabing pera.
No comments:
Post a Comment