Posted November 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ngayong araw ng Martes Desyembre 1 ay nakatakdang
magsagawa ng free HIV (human immunodeficiency virus) testing ang Aklan
Provincial Hospital.
Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng World Aids Day sa nasabi
ring araw kung saan isa sa mga aktibidad na isasagawa ng PHO ay ang nasabing
testing.
Dahil dito hinikayat mismo ni Dr. Leilani Barrios ng
DRSTMH’s coordinator ng HIV/AIDS ang mga Aklanon na subukan ang free HIV
testing ng sa gayon ay maging-conscious umano sila sa kanilang kalusugan.
Aniya, mahalagang malaman kung ang isang tao ay may
dinadala ng nasabing karamdaman upang agad itong maisailalim sa pagpapagamot sa
nasabing ospital.
Kaugnay nito napag-alaman na umabot na sa 51 katao ang
na-diagnosed sa HIV/AIDS simula pa noong 1984 base sa report ng Provincial
Health Office.
Samantala, iginiit naman ng PHO na kung sino man ang
magdi-discriminate sa taong may HIV (human immunodeficiency virus), o PLHIVs ay
maaaring maparusahan sa paglabag sa Republic Act 8504, or the Philippine AIDS
Prevention and Control Act.
No comments:
Post a Comment