Posted November 25, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Handa umano ang pwersa ng isla ng Boracay sakaling
magkaroon ng terror attack sa kilalang tourist destination sa buong mundo.
Ito ang pagtiyak ni Commodore Leonard Tirol ng Boracay
Action Group (BAG) sa himpilang ito.
Ayon kay Tirol naka-full alert na umano ang kanilang
hanay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng Sea Borre patrol sa karagatang sakop ng
isla ng Boracay gamit ang kanilang apat na speed boat.
Sinabi din nito na fully-armed o armado ang sakay ng nasabing
mga speed boat kung saan kinabibilangan din ito ng mga Police, Philippine
Coastguard, Maritime Police at iba pang mga law enforcers sa isla.
Layun umano ng kanilang pagpapatrolya ay mailigtas ang
Boracay sakaling magkaroon ng banta laban sa mga terorista gaya ng
nangyaring Paris attack gayon din ang kaguluhang nangyari sa Mali at sa Belgium.
Samantala, pinaalalahanan din ni Tirol ang mga pasaway bangka ng island hopping at ang mga speed boat na dumadaong sa ipinigbabawal na
area sa front beach na sundin ang mga ordinansa ng Malay upang maiwasan ang
perwisyong idinudulot sa turismo ng isla.
Kaugnay nito pinaalalahanan naman ni Tirol ang mga residente
at stakeholders sa Boracay na maging mapagmatyag sa kanilang kapaligiran at
mag-sumbong sa mga otoridad sakaling may mapansing kahina-hinalang pangyayari
sa kanilang nasasakupan.
No comments:
Post a Comment