YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, November 27, 2015

Karagdagang Sea Ambulance sa Boracay hiniling ni Tirol sa LGU Malay

Posted November 27, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Para sa mas mabilis na pag-respondi sa mga nangangailangan, hiniling ngayon ni Commodore Leonard Tirol sa LGU Malay ang karagdagang Sea Ambulance para sa Boracay.

Ito’y matapos magkaroon ng sariling Sea Ambulance ang Boracay Action Group (BAG) na binili mismo ni Tirol para sa lahat ng mga pasyenteng kailangang dalhin sa mga pagamutan sa mainland.

Sa panayam ng himpilang ito kay Tirol, hiniling nito kay Mayor John Yap ng Malay na e-release na ang dalawang milyong pesong pondo para sa naturang ambulansya.

Aniya, mas maganda kung dalawa ang sea ambulance para mapabilis ang pagdadala sa mga pasyente sa mga pagamutan na kailangang e-transfer sa ibang ospital sa mainland mula sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito sinabi ni Tirol na ang kanilang sea ambulance ngayon ay mayroong mga naka-standby na nurse ng LGU Malay.

Samantala, maliban sa ambulansyang pandagat mayroong ding ambulansya ang BAG sa Boracay at isa naman sa mainland Malay at mayroon din silang tatlong fire trucks na nag-o -operate ngayon sa isla.

No comments:

Post a Comment