Posted November 26, 2015
Ni Inna Carol L. Zambrona, YES FM Boracay
Sumailalim sa Youth Peer Education (YPE) Training ang Red
Cross Youth ng Boracay-Malay Chapter nitong November 20-22 sa Eurotel Boracay.
Ayon kay Head Officer Marlo Shconenberger ng Municipal
Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) Malay at dating
PRC-Administrator, ang ginawa umano
nilang training ay para mapalawig ang kaalaman ng mga kabataan hinggil sa
maagang pagbubuntis.
Maliban dito tinalakay din umano ng mga imbitadong speaker
na sina Arbie Aspiras, Nurse ng MHO ang tungkol sa Sexually transmitted Disease
habang Substance Abuse naman ang kay SPO4 Christopher Mendoza ng Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC).
Samantala, sinabi ni Shconenberger na ang programa ng YPE
ay para maprotektahan at mas maturuan pa ang mga kabataan sa Boracay na maging
handa sa mga nasabing usapin at upang maging tulay din sila sa pag-bibigay ng
kaalaman sa ibang mga kabataan.
No comments:
Post a Comment