Posted November 24, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Naaalarma na umano ngayon ang Boracay Tourist Assistance
Center (BTAC) dahil sa kadalasang pagkakasangkot ng mga construction worker sa
ibat-ibang gulo sa Boracay.
Ayon kay Police chief Senior Inspector Fidel Gentallan,
bababa na umano sila ngayon sa mga Brgy. Level sa isla para matutukan ang
construction worker sa Boracay na kalimitang nagiging laman ng blotter report
ng BTAC.
Sinabi ni Gentallan na may mga dayalogo na umano sila sa
mga brgy. Captain tungkol dito kung saan magkakaroon umano sila ng eskedyul sa
Area of Responsibility ng mga construction site sa Boracay para maipresinta sa
mga ito ang crime statistic.
Maliban dito, kasama sa dialogue ng BTAC ang mga project
engineers na siyang humahawak ng mga nasabing construction workers upang maibahagi
din sa mga manggagawa ang mga bagay na maaari nilang kakaharapin sa oras na
masangkot ang mga ito sa gulo.
Nabatid na marami ng serye ng insidente o krimen sa isla
na sangkot ang mga construction worker kung kayat ganito na lamang ang
pagkabahala ngayon ng Boracay PNP.
Napag-alaman na ang mga constriction workers sa Boracay
ay mula pa sa ibat-ibang lugar sa probinsya at sa mga kalapit na lalawigan kung
kayat bihira lang din ang mga itong umuwi sa kanilang mga lugar.
No comments:
Post a Comment