Pages

Saturday, November 28, 2015

Aklanon hinikayat sa free HIV Testing ngayong World Aids Day

Posted November 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for HIVNgayong araw ng Martes Desyembre 1 ay nakatakdang magsagawa ng free HIV (human immunodeficiency virus) testing ang Aklan Provincial Hospital.

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng World Aids Day sa nasabi ring araw kung saan isa sa mga aktibidad na isasagawa ng PHO ay ang nasabing testing.

Dahil dito hinikayat mismo ni Dr. Leilani Barrios ng DRSTMH’s coordinator ng HIV/AIDS ang mga Aklanon na subukan ang free HIV testing ng sa gayon ay maging-conscious umano sila sa kanilang kalusugan.

Aniya, mahalagang malaman kung ang isang tao ay may dinadala ng nasabing karamdaman upang agad itong maisailalim sa pagpapagamot sa nasabing ospital.

Kaugnay nito napag-alaman na umabot na sa 51 katao ang na-diagnosed sa HIV/AIDS simula pa noong 1984 base sa report ng Provincial Health Office.

Samantala, iginiit naman ng PHO na kung sino man ang magdi-discriminate sa taong may HIV (human immunodeficiency virus), o PLHIVs ay maaaring maparusahan sa paglabag sa Republic Act 8504, or the Philippine AIDS Prevention and Control Act.

No comments:

Post a Comment