Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi umano imposibleng may mangyaring registration ang
Commission on Elections (COMELEC) sa Gaisano Mall sa bayan ng Kalibo.
Ito ang sinabi ni Getulio Esto ng Comelec Aklan kung saan
nakatakda umanong makipag-dayalogo at gumawa ng memorandum ang COMELEC Aklan sa
pamamagitan ng nasabing mall para sa inaasahang Comelec registration tuwing
araw ng Sabado.
Dagdag pa ni Esto nakadepindi din umano ang
respresentasyon nito kay Atty. Ian Lee Ananoria ng Provincial Comelec ng Aklan
at sa management ng mall kung saan ilalagay ang Biometrics registration.
Sinabi din nito na kung sakaling walang maganap na
registration sa mall ay bukas din umano ang kanilang tanggapan na may layo
lamang na 200 metro mula sa Gaisano.
Nabatid na layunin ng COMELEC na hikayatin ang mas marami
pang botante na magparehistro kung saan ang voter’s registration ay para sa May
2016 national polls na nakatakdang magtapos sa Oktubre.
No comments:
Post a Comment