Posted July 30, 2015
Ni Jay-ar M.
Arante, YES FM Boracay
Kinilala bilang most efficient airport sa buong mundo ang
Kalibo International Airport (KIA) at Davao International Airport sa ika-walo
at ika-anim na pwesto.
Ito ay batay sa impormasyon at pahayag ng Hong Kong
International Airport (HKIA) kung saan ang HKIA ay nakabuo ng 264.6 puntos ng
workload unit.
Ayon naman kay Engineer Martin Terre, chief of the Civil
Aviation Authority of the Philippines-Kalibo, isa umano itong inspirasyon kung
saan lalo pa umano nilang ipagpapabuti at ipapaunlad ang kanilang serbisyo.
Sa ngayon umano ay tuloy-tuloy ang kanilang ginagawang
proyekto at pagpapaganda ng nasabing paliparan kasama na ang expansion ng
run-way at ang pagsasaayos ng mga pasilidad para sa dumaraming mga pasahero.
Nabatid na ang KIA ay kinilala bilang mabisa sa mga
tuntunin ng aircraft movement at traffic control ng 2013 kung saan sinasabing
kaya din nitong makapag-hawak ng air traffic mula sa ibat-ibang bansa sa kabila
na medyo may kaliitan ito.
Napag-alaman na ang Kalibo International Airport ay nakapagtala
ng 211 points sa ika-walong pwesto habang ang Davao International Airport at nasa
ika-anim na may 222.22 points.
Samantala ang ACI ay nag-iisang global trade
representatives sa mga airport sa mundo na itinatatag noong 1991 na kumakatawan
sa interest sa government at international organization katulad ng International
Civil Aviation Organization.
No comments:
Post a Comment