Posted July 29, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ibinida ni Interim General Manager Rei Bernardo ng Malay
Water District (MWD) ang kanilang proyekto na “Water Supply Improvement Project
of Malay” sa SB Session nitong Martes.
Ito ay matapos siyang dumalo sa ika-26th
Regular Session kasama ang siyam na punong brgy. na kabilang sa naturang
proyekto na kinabibilangan ng Poblacion, Balusbus, Motag, Cogon, Sambiray,
Cubay Norte, Cubay Sur, Argao at Caticlan.
Ayon kay Bernardo ang kanilang ginagawang proyekto ngayon
ay para ma-upgrade ang MWD, ma-improve ang water quality, ma-increase ang water
supply at system pressure.
Layunin din umano ng kanilang mga proyekto ay para
makamit ang 24/7 service para sa lahat ng residente sa nasabing bayan kung saan
may benipisyo din umano itong 24/7 potable drinking water.
Samantala, ang natitirang umanong brgy. sa mainland Malay
ang siya namang isusunod sa nasabing proyekto upang lahat ay patas na mabigyan
ng suplay na tubig.
Sa kabilang banda ilang residente naman ang nagrereklamo
dahil sa tuwing umaga umano ay kulay putik ang inilalabas na tubig sa kanilang
gripo at hindi maganda ang amoy na talaga namang ikinais ng mga ito lalo na ang
may pasok sa trabaho at paaralan.
Sure?
ReplyDelete