Posted July 31, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Siniguro ngayon ng Department of Tourism (DOT) Region 6
na mananatili parin ang Kalibo International Airport bilang Aklan Province and
Northern Panay’s Premier Gateway.
Ito’y dahil sa kabila ng ginagawang expansion project ng TransAir
sa Caticlan Airport sa bayan ng Malay sa Aklan na gagawin namang International
Airport at inaasahang matatapos sa taong 2018.
Dahil dito siniguro ngayon ng DOT Officials na ang Kalibo
International Airport na nakatayo 76 kilometers mula sa isla ng Boracay ay
kanilang e-propromote bilang long-haul flights.
Ayon naman kay DOT Regional Director Helen Catalbas, ang
dalawang airport ay uunlad ng sabay kung saan ang Caticlan ay magiging short
haul flights.
Samantala, ang Kalibo International Airport ay nasa
ilalim ng pamamalakad ng gobyerno sa pamamagitan ng Civil Aviation Authority of
The Philippine (CAAP) kung saan tumatanggap ito ng direct flights mula South
Korea via Kalibo at Taiwan via Manila at iba pang flights mula sa ibang bansa.
No comments:
Post a Comment