Pages

Saturday, August 01, 2015

Registration ng Comelec sa isang Mall sa Kalibo hindi imposibleng mangyari

Posted August 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Hindi umano imposibleng may mangyaring registration ang Commission on Elections (COMELEC) sa Gaisano Mall sa bayan ng Kalibo.

Ito ang sinabi ni Getulio Esto ng Comelec Aklan kung saan nakatakda umanong makipag-dayalogo at gumawa ng memorandum ang COMELEC Aklan sa pamamagitan ng nasabing mall para sa inaasahang Comelec registration tuwing araw ng Sabado.

Dagdag pa ni Esto nakadepindi din umano ang respresentasyon nito kay Atty. Ian Lee Ananoria ng Provincial Comelec ng Aklan at sa management ng mall kung saan ilalagay ang Biometrics registration.

Sinabi din nito na kung sakaling walang maganap na registration sa mall ay bukas din umano ang kanilang tanggapan na may layo lamang na 200 metro mula sa Gaisano.

Nabatid na layunin ng COMELEC na hikayatin ang mas marami pang botante na magparehistro kung saan ang voter’s registration ay para sa May 2016 national polls na nakatakdang magtapos sa Oktubre.

No comments:

Post a Comment