Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Photo credit to Shenggay Tirazana Reunir |
Tama sa ulo at katawan ang ikinamatay ng No. 1 most
wanted person sa Aklan na si Giovanie “Abad” Masula matapos na ito ay makipag-engkwentro
sa mga pulis.
Ayon kay Aklan Provincial Intelligence and Investigation
Bureau Chief PSInspector Bernard Ufano, nangyari umano ang insidente dakong
alas-4:25 ng madaling araw sa Brgy. Usman, Malinao kung saan sakay si Masula sa
isang motorsiklo kasama ang dalawang lalaki na sina Reymund Tambong at Arches
Legaspi.
Dito umano nila pinarahan ang motorsiklo kung saan bumaba
naman ang mga sakay nito at doon nga nila positibong nakilala si Masula ngunit
mabilis umano itong bumunot ng dala-dalang baril at doon na nagsimula ang
putukan.
Dahil dito isa umanong pulis na kinilala namang si P03
Roy Iquin ang nagtamo ng daplis sa kanyang ulo matapos ang pagpapaputok ng
suspek.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na
nasa brgy. Usman ang nasabing suspek matapos nitong bisitahahin ang kanyang
anak na may sakit kung kayat inabangan nila ito madaling araw pa lamang
hanggang sa sakto namang nakasalubong nila ito at dito na naganap ang palitan
ng putok na agad namang ikinamatay ni Masula.
Ayon pa kay Ufano hinuli rin nila ang dalawang lalaki na
kasama ni Masula na sina Tambong at Legaspi sa tulong na rin ng CIDG na kasama
nila sa operasyon.
Napag-alaman na ang no. 1 most wanted na si Masula ay
nahaharap sa mga kasong Murder at Homicide.
No comments:
Post a Comment