YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, August 01, 2015

Benipisyo ng itinayong Windmill sa brgy. Napaan muling inungkat ni SB Aguirre

Posted August 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Muling inungkat ni Malay SB member Rowen Aguirre kung ano-anong benipisyo ang nakuha ng mga residente ng brgy. Napaan sa Malay matapos ang itinayong Windmill sa lugar.

Ito ang sinabi ni Aguirre sa ginanap na SB Session ng Malay nitong Martes matapos niyang mapansin ang kulay putik na tubig na dumadaloy sa Napaan River.

Nabatid na mismong sa nasabing ilog itinayo ng PetroWind ang kanilang wind turbine kung kaya ganito lamang ang pagkabahala ni Aguirre sa epekto nito sa mga residente sa lugar at sa kalikasan.

Ayon naman kay Napaan brgy. Captain Ruben Sullano hindi naman gaano naapektuhan ang nasabing ilog kung saan din kumukuha ng maiinom na tubig ang mga residente sa lugar.

Ngunit dahil sa nagkaraon umano ng kaunting discoloration ang tubig sa Napaan ay binigyan naman sila ng maiinom na water supply ng PetroWind hanggang sa hindi bumabalik sa normal na kulay at kalinisan ang tubig nito.

Maliban dito nabigyan din umano ng serbisyo ang kanilang komununidad kung saan ang ilan sa mga residente lalo na ang mga kalalakihan ay napabilang sa ginawang construction ng wind turbine at sa paglalagay ng coco-fiber at erosion mat installation sa lugar.

No comments:

Post a Comment