YES THE BEST 911 BORACAY

Saturday, August 01, 2015

Pagpalit ng fiber glass sa mga bangka ng CBTMPC mahigpit na tinutulan ni Sadiasa

Posted August 1, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay


Image result for jetty portMahigpit ang ginawang pagtutol ng Caticlan Boracay Transportation Multi Purpose Cooperative (CBTMPC) na palitan ang mga wooden boat ng kanilang kooperatiba ng fiber glass.

Ayon kay CBTMPC Chairman Godofrido Sadiasa, meron umanong memorandum na ibinigay sa kanila ang Maritime Industry Authority (MARINA) na nagsasabing kinakailang e-convert ang kahoy na bangka sa fiber glass na may biyaheng Boracay-Caticlan vice versa.

Ngunit sinabi nito na mahirap umano nila itong maipatupad dahil sa sila umano ay isang kooperatiba at hindi naman milyonaryo ang kanilang mga miyembro.

Aniya, dapat umanong ipatupad ang mga fiber glass boat doon sa may mga malalayong biyahe katulad ng Caticlan-Romblon at Iloilo-Guimaras.

Maliban dito hindi umano kakayanin ng mga operators sa kanilang kooperatiba na gumastos ng ilang milyon peso para lamang mapalitan ang kanilang mga di-kahoy ng bangka ng fiber glass.

Nabatid na nagpatawag kamakailan ng meeting ang Marina Region 6 para e-implementa ang zero wooden boat policy matapos ang nangyaring paglubog ng bangkang yari sa kahoy sa Ormoc City na ikinamatay ng maraming pasahero.

Samantala, nakatakda naman umanong umapila si Sadiasa sa Marina National Office para sa mahigpit na pagtutol nito sa nasabing kautusan.

1 comment:

  1. Malamang hindi kayo susunod... ni hindi nga kayo makapagbigay ng maayos na serbisyo eh. Ultimo maayos na kalidad ng life vest eh ayaw nyong mag provide. Anong hindi milyonaryo? Lokohin nyo lelang nyo...eh monopolyado nyo ang byahe sa tagal ng panahon at ang mga miyembro nyo ay mga nag mamay-ari din ng mga hotels at iba pang establisyemento sa isla ng Boracay! At malamang hindi lang iisang bangka ang pag mamay ari ng bawat isang miyembro ng kooperatiba nyo. Isa rin kayong mga pabebe ano?

    ReplyDelete