Posted
July 30, 2015
Ni Jay-Ar M. Arante, YES FM Boracay
Hindi na kailangang magtungo pa ang mga Aklanon na may
Multi-Drug Resistant (MDR) Tuberculosis sa katabing probinsya ng Capiz para
magpagamot.
Ito’y dahil sa nagpatayo na ngayon sa Dr. Rafael S.
Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) ng Satellite Treatment Center at GenXpert
Site.
Pinangunahan naman ng Department of Health (DOH) ang
launching ng nasabing Satellite Treatment Center sa pakikipagtulungan sa
Philippine Business for Social Progress, Provincial Health Office (PHO),
Municipal Health Officers (MHOs) at health workers ng 17 bayan sa Aklan.
Ayon naman kay Dr. Paul Macahilas, DRSTMH Chief of
Hospital II, nagpapasalamat siya sa ginawang pagpapatayo ng satellite treatment
center kung saan ang tuberculosis umano ay isang public health concern sa
probinsya ng Aklan.
Samantala, kabilang sa mga dumalo sa ginanap na launching
ng Satellite Treatment Center ay si Dr. Edith Gimotea, DOH 6 Regional TB
Coordinator kung saan sinabi din nito na ang pagpapatayo ng treatment center ay
isang “dream-come-true” para sa DRSTMH.
No comments:
Post a Comment