Posted July 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Ikinabahala ng Brgy. Caticlan ang kawalan ng drainage system
sa Malay Public Market matapos nilang matuklasan na itinatapon lamang ang mga
dumi at hasang ng isda sa katabing ilog.
Ayon kay Caticlan Brgy. Captain Julieta Aron, sa pagdalo
nito sa SB Session ng Malay ngayong Martes, makailang beses na umano nilang
napapansin sa tuwing magkakaroon sila ng clean-up operation sa ilog ang mga dumi ng isda
at buto nito na inuuod at masangsang na ang amoy.
Aniya ito ang dahilan ng kawalan ng drainage system na
matagal na ring umanong planong ipagawa ng MEED Office ng Malay ngunit hanggang
ngayon ay wala pa itong nasisimulang construction.
Ayon naman kay SB member Manuel Delos Reyes, wala umano
sigurong gumagawa ng drainage dahil sa may pinaplano ang LGU na ilipat din ang
tindahan sa porsyon ng Caticlan at Sambiray at maaaring gumastos lamang
sakaling mailipat na ito.
Napag-alaman na ang planong paglipat ng tindahan ay para
bigyang daan ang Caticlan Elementary School na ilalagay sa naturang lugar dahil
sa apektado ang nasabing eskwelahan ng expansion project ng TransAire sa
Caticlan Airport kung saan ito ngayon nakatayo.
No comments:
Post a Comment