Posted July 29, 2015
Ni Alan C. Palma, YES FM Boracay
Kinikilala ngayon ang Caticlan Boracay Transport
Multi-Purpose Cooperative o CBTMPC bilang pinakamayamang kooperatiba sa bansa
sa isinagawang 1st Transport Congress.
At bilang patunay na sila ay namamayagpag, isang ground
breaking ceremony ng panibagong 3-storey commercial building kung saan ay balak
itayo ng nasabing kooperatiba sa susunod na buwan ng Agosto.
Pinangunahan ni Malay Mayor John Yap ang seremonya kasama
ang ilang opisyales ng bayan ng Malay, mga kawani at miyembro ng CBTMPC at ng
Baranggay Council ng Caticlan.
Sa isang mensahe, ipinagmamalaki ni Mayor Yap ang
narating ng CBTMPC at natutuwa ito sa tagumpay ng kooperatiba.
Dagdag pa nito na sa kabila ng tagumpay ay kailangan pa
ring harapin ang ilang mga challenges dahil importante ang kapakanan ng mga
turista kung saan dito kumukuha ng pangkabuhayan ang mga miyembro.
Pinasalamatan naman ni CBTMPC Chairman Godofredo “Goding”
Sadiasa ang lahat ng kasamahan nito sabay sabi na ang tagumpay ng isang
kooperatiba ay nakasalalay sa kooperasyon ng mga miyembro at hindi sa mga
namumuno lang.
Ang CBTMPC ay may mahigit sa tatlong libong miyembro na
maliban sa sea and land transport operation ay pinasok na rin ang
micro-financing at iba pang negosyo.
No comments:
Post a Comment