YES THE BEST 911 BORACAY

Friday, July 31, 2015

Penalidad ng PetroWind sa DENR umabot na ng halos P8 milyong peso

Posted July 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

www.Aklan camera org
Tinatayang umabot na sa halos P8 milyon ang naging penalidad ng PetroWind Energy Incorporated sa Department of Environmental and Natural Resources (DENR).

Ito ang sinabi ni Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) Boracay Officer In Charge Jonne Adaniel nitong nakaraang Martes sa SB Session ng Malay.

Dito tinanong siya ni SB member Jupiter Gallenero kung anong mga violations ang nilabag ng PetroWind na tinutukoy sa kanilang ECC condition.

Ayon naman kay Adaniel ang nagawa umanong paglabag ng PetroWind noong ginagawa ang construction ng wind turbine generators sa Napaan at Pawa area ay dahil hanggang ngayon umano ay hindi pa nila na ayos ang kanilang kaukulang permit mula sa DENR.

Partikular umano rito ay ang nakapaloob sa forestland agreement para sa mga lugar na naayos sa loob ng timberland area sa Pawa, Nabas kung saan tinukoy nito na ang nasabing permit ay naipasa na sa central office dalawang taon na ang nakakalipas.

Sinabi din nito na patuloy parin umanong pinoproseso ng nasabing kumpanya ang klasipikasyon ng lupa ngunit dahil umano sa DOE ay ipinagpatuloy nila ang kanilang ginagawang construction activity.

Iginiit naman ni Adaniel na nakapagbigay na umano ng penalidad ang DENR dahil sa patuloy na construction na walang kaukulang permit kung saan kabilang umano rito ang tree-cutting violations sa forest charges at ang violation sa entry ng timberland ng walang paunang permit.

Kaugnay nito kamakailan umano ay nakapagbayad na ang PetroWind ng P200, 000 ngunit sa ngayon umano ay umabot na ito ng halos P8 Milyong peso.

No comments:

Post a Comment