Posted July 31, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
www.Aklan camera org |
Tinatayang umabot na sa halos P8 milyon ang naging
penalidad ng PetroWind Energy Incorporated sa Department of Environmental and
Natural Resources (DENR).
Ito ang sinabi ni Community Environment and Natural
Resources Office (CENRO) Boracay Officer In Charge Jonne Adaniel nitong
nakaraang Martes sa SB Session ng Malay.
Dito tinanong siya ni SB member Jupiter Gallenero kung
anong mga violations ang nilabag ng PetroWind na tinutukoy sa kanilang ECC
condition.
Ayon naman kay Adaniel ang nagawa umanong paglabag ng
PetroWind noong ginagawa ang construction ng wind turbine generators sa Napaan
at Pawa area ay dahil hanggang ngayon umano ay hindi pa nila na ayos ang
kanilang kaukulang permit mula sa DENR.
Partikular umano rito ay ang nakapaloob sa forestland
agreement para sa mga lugar na naayos sa loob ng timberland area sa Pawa, Nabas
kung saan tinukoy nito na ang nasabing permit ay naipasa na sa central office dalawang
taon na ang nakakalipas.
Sinabi din nito na patuloy parin umanong pinoproseso ng
nasabing kumpanya ang klasipikasyon ng lupa ngunit dahil umano sa DOE ay ipinagpatuloy
nila ang kanilang ginagawang construction activity.
Iginiit naman ni Adaniel na nakapagbigay na umano ng
penalidad ang DENR dahil sa patuloy na construction na walang kaukulang permit
kung saan kabilang umano rito ang tree-cutting violations sa forest charges at
ang violation sa entry ng timberland ng walang paunang permit.
Kaugnay nito kamakailan umano ay nakapagbayad na ang
PetroWind ng P200, 000 ngunit sa ngayon umano ay umabot na ito ng halos P8
Milyong peso.
No comments:
Post a Comment