Pages

Tuesday, July 28, 2015

Kawalan ng drainage system sa Malay Public Market ikinabahala ng brgy. Caticlan

Posted July 28, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for drainage systemIkinabahala ng Brgy. Caticlan ang kawalan ng drainage system sa Malay Public Market matapos nilang matuklasan na itinatapon lamang ang mga dumi at hasang ng isda sa katabing ilog.

Ayon kay Caticlan Brgy. Captain Julieta Aron, sa pagdalo nito sa SB Session ng Malay ngayong Martes, makailang beses na umano nilang napapansin sa tuwing magkakaroon sila ng clean-up operation sa ilog ang mga dumi ng isda at buto nito na inuuod at masangsang na ang amoy.

Aniya ito ang dahilan ng kawalan ng drainage system na matagal na ring umanong planong ipagawa ng MEED Office ng Malay ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong nasisimulang construction.

Ayon naman kay SB member Manuel Delos Reyes, wala umano sigurong gumagawa ng drainage dahil sa may pinaplano ang LGU na ilipat din ang tindahan sa porsyon ng Caticlan at Sambiray at maaaring gumastos lamang sakaling mailipat na ito.

Napag-alaman na ang planong paglipat ng tindahan ay para bigyang daan ang Caticlan Elementary School na ilalagay sa naturang lugar dahil sa apektado ang nasabing eskwelahan ng expansion project ng TransAire sa Caticlan Airport kung saan ito ngayon nakatayo.

No comments:

Post a Comment