Posted May 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tatlong malalaking resort sa isla ng Boracay ang
inaasahang magiging venue para sa gaganaping APEC Ministerial meeting ngayong
susunod na linggo.
Ito ay kinabibilangan ng Shangri-La Resort Boracay, Crown
Regency Resort and Convention Center at Paradise Garden Resort Hotel and
Convention Center.
Nabatid na ang Boracay ang magiging tahanan ng mahigit
dalawang libong delegado na kasama sa Asia-Pacific Economic Cooperation’s
(APEC) 2nd Senior Officials’ Meeting and Related Meetings (SOM2) at Ministers
Responsible for Trade Meeting (MRT).
Napag-alaman na ang SOM2 ay kadugtong ng APEC discussions
na ginanap sa Manila at Clark Pampanga noong nakaraang December at February.
Kaugnay nito inaasahang pag-uusapan ng mga delegado ang Regional
Economic Integration, SMEs’ Participation in Regional and Global Markets,
Investment in Human Resource Development, at Building Sustainable at Resilient
Communities.
Kasama rin dito ang trade at investment liberalization,
business facilitation, at economic cooperation sa field ng Oceans at Fisheries,
food security, science technology and innovation, higher education, human
resource development, emergency preparedness, internet economy, connectivity,
economic and technical cooperation structural reform, counter-terrorism
telecommunication, tourism, at trade sa serbisyo.
Samantala, tema naman ng APEC summit ngayong taon ay
“Building Inclusive Economics, Building a Better World”.
No comments:
Post a Comment