Posted May 4, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nauwi sa kalunos-lunos na aksidente ang nangyari sa isang
lalaking kinilalang si John Henry Pineda, 18-anyos ng Caticlan Malay Aklan at
isang tour guide sa Boracay.
Ito’y matapos siyang araruhin ng rumaragasang truck sa
Manoc-manoc, Boracay alas-9 kagabi na minamaneho ni Ernie Victoriano, 58-anyos
ng nasabi ring lugar.
Base sa blotter report ng Boracay PNP Station,
nakikipag-inuman umano ang biktima kasama ang ilan nitong kaibigan sa gilid ng
kalsada sa brgy. Manoc-manoc ng may biglang lumapit sa kanyang isang lalaki na
kinilala namang si Nathan Dumampil at sinasabing dating kaalitan nito.
Dahil dito kinompronta umano ang biktima ni Nathan kung
saan pinagsusuntok niya ito ngunit mabilis naman ang pag-iwas ng biktima
dahilan para mapadpad sila sa gitna ng kalsada at mawalan ito ng balansi sabay
bagsak sa kalsada.
Ngunit isang truck ang hindi inaasahang mapadaan sa
naturang lugar kung saan mabilis nitong nasagasaan ang biktima na nagtamo ng
matinding sugat sa kanyang ibat-ibang parti ng katawan lalo na sa ulo nito na
may grabing pinsala.
Nabatid na nadala pa ang biktima sa Boracay Hospital
ngunit idiniklara naman itong dead on arrival ng attending physician sa nasabing
pagamutan.
Samantala, agad namang sumuko ang driver ng truck sa
Boracay PNP Station matapos ang naturang aksidente ngunit ang sinasabing
dahilan ng aksidenteng si Nathan Dumampil ay mabilis na nakatakas ngunit kinabukasan
ay agad ding sumuko sa pulisya.
No comments:
Post a Comment