YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 07, 2015

Pagkakaroon ng palagiang block out sa Boracay bahagi umano ng preparasyon sa APEC

Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for power blackoutNakakaranas umano ngayon ng palagiang block out ang isla ng Boracay dahil sa pinaghahandaan ng AKELCO ang APEC Ministerial meeting sa susunod na linggo.

Ito ang sinabi ni Aklan Electric Cooperative (AKELCO) PIO Rence Oczon matapos na muling maranasan kaninang umaga ang block out sa isla.

Nabatid na nagpalabas ng power advisory ang AKELCO tungkol sa block-out kaninang umaga na nagsimula ala-5 hanggang alas-8 ngunit inabot na ito ng alas-10 ng umaga dahil sa naranasang problema sa linya ng National Grid Corporation (NGCP).

Sinabi ni Oczon na hiniling umano ng NGCP sa AKELCO na mag-emergency block-out kaninang umaga para ayusin ang jumper sa Nabas-Caticlan Transmission line.

Aniya, nais ng kanilang kooperatiba at ng NGCP na maiwasan ang block out sa kasagsagan ng APEC sa Boracay kung kayat ngayon umano ay patuloy nila itong inaayos bago ang nasabing meeting.

Kaugnay nito sinabi naman ni Oczon na ang nararanasang power interruption tuwing gabi sa Boracay ay dahil sa marami umano ang gumagamit kung kayat hindi na makayanang makapagbigay ng suplay lalo na kung mainit ang panahon na nagdudulot ng problema sa linya ng AKELCO.

Samantala, ikinadismaya naman ng mga kusumedor sa Boracay ang sunod-sunod na power interruption dahil sa apektado umano ang kanilang mga negosyo lalo na at masyadong mainit ang panahon.

No comments:

Post a Comment