Posted May 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Inaprobahan na nitong Mayo 2 ng Department of Labor and
Employment (DOLE) Region 6 ang minimum wage ng mga manggagawa sa Western Visayas.
Ito’y matapos itong inilathala noong Abril 17, 2015 kung
saan inaprobahan naman ito at epektibong ipinatupad nito lamang Mayo 2.
Nabatid na ang dating Php287.00 na sinasahod ng mga mangagawa
sa Western Visayas ay tinaasan ng Php11.50 na ngayon ay naging Php298.50.
Ayon naman kay OIC DOLE Aklan Field Office Arlene
Siaotong, kailangan na itong ipatupad ng lahat ng mga kumpanya o ano mang-uri
ng negosyo sa Region 6 na mayroong manggagawa na sumasahod ng minimum wage
rates.
Napag-alaman na ang petisyon para sa wage increase ay
inapila ng General Alliance of Workers Association (GAWA) na naghahanap ng Php85.00,
Php75.00 at Php72.00 daily wage increase sa private sector sa Region 6 para sa
Non-Agricultural/Industrial at Commercial workers, Agricultural-Plantation
workers, at manggagawa na employed sa establishment na may sampung manggagawa
pababa at Non-Plantation workers.
Samantala, hinikayat naman ni Siaotong ang lahat ng mga
establisyemento sa Boracay na kung maaari ay ipaskil na nila ang kanilang
ibinigay na karatola tungkol sa minimum wage increase ng sa gayon umano ay
makita rin ng mga delegado ng APEC na compliance ang mga ito sa ipinapatupad
nilang mandato.
No comments:
Post a Comment