Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sumailalim umano sa dry run o pagsasanay nitong Biyernes
ang mga naka-deploy na pulis sa Boracay para sa APEC Ministerial meeting ngayong
buwan ng Mayo.
Ayon kay Region 6 Public Information Officer Police
Inspector Shiela Mae Sangrines at Official Spokesperson ng APEC, isinagawa umano
nila ang dry run sa Crown Regency Convention Center, Paradise Garden Boracay at
sa lobby ng Grand Vista kahapon.
Layunin umano nito na maging handa sila ilalatag na security
preparation sa mahigit isang libo at limang daang delegado ng nasabing meeting.
Nabatid na ang Crown Regency at Paradise Garden kasama
ang Shangrila Boracay ang siyang magiging venue para sa APEC Meeting sa Boracay
na magsisimula ngayong araw.
Sa kabilang banda sinabi naman ni Sangrines na marami na
umanong delegado ang dumating kahapon kung saan mamayang gabi ay may nakatakda
ang mga itong dinner meeting.
Samantala todo alerto na rin ngayon ang Bureau of Fire,
Philippine Coastguard, Philippine Army at iba pang security forces na itinalaga
sa Boracay para sa kanilang ginagawang seguridad kasama na ang mga medical
team.
No comments:
Post a Comment