Posted May 8, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Mula sa Kalibo International Airport ay makikita ang mga
welcome banner hanggang sa patungong Caticlan Jetty Port.

Makikita din umano dito ang malalaking billboard na inihanda
ng provincial government para sa mga delegado ng APEC sa Boracay ngayong
susunod na linggo.
Sinabi pa ni Ponterno na ang ilang delegates ay dadaan
mismo sa normal passenger way area patawid ng Boracay kung kayat tinayak umano
nila ang seguridad para dito.
Samantala, inaasahang magsisidatingan na ang ibang
delegado ngayon at sa mga susunod na araw kung saan ilan sa mga sinakyan nilang
eroplano ay lalapag sa Kalibo International Airport at Caticlan Airport.
No comments:
Post a Comment