Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Mistulang nag-bagong bihis ngayon ang mainroad ng Boracay
dahil sa patuloy na cleaning at clearing operation para sa APEC Ministerial
meeting.
Katunayan nagpapatuloy-parin ang ginagawang pagpipintura sa
side-walk ng mga kalsada sa isla partikular sa area ng Brgy. Balabag.
Maliban dito pansamantala munang tinakpan ng mga yerong
may pintura ang lahat ng ginagawang construction building sa mainroad lalo na
ang madadaanan ng mga delegado.
Bagamat nagsimula na ngayong araw ang naturang meeting
tuloy-tuloy parin sa pagpapaganda ang tatlong brgy. sa Boracay sa pangunguna
naman ng APEC Local Officials Team.
Kaugnay nito lalong hinigpitan ng mga otoridad ang
operasyon ng mga sasakyan sa isla partikular sa malapit na lugar kung saan
ginaganap ang meeting ng mga delegado ng APEC.
Samantala, hinihikayat naman ng Local Officials ng Malay
ang lahat ng mga mamamayan sa isla na tumulong sa paglilinis lalo na ang
pagpapakita ng magandang pakikitungo sa mga APEC delegates sa Boracay sa tuwing
makasalubong nila ang mga ito.
No comments:
Post a Comment