Pages

Wednesday, May 06, 2015

Tatlong malalaking resort sa Boracay magiging venue para sa APEC ministerial meeting

Posted May 6, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for apec meeting in b0racayTatlong malalaking resort sa isla ng Boracay ang inaasahang magiging venue para sa gaganaping APEC Ministerial meeting ngayong susunod na linggo.

Ito ay kinabibilangan ng Shangri-La Resort Boracay, Crown Regency Resort and Convention Center at Paradise Garden Resort Hotel and Convention Center.

Nabatid na ang Boracay ang magiging tahanan ng mahigit dalawang libong delegado na kasama sa Asia-Pacific Economic Cooperation’s (APEC) 2nd Senior Officials’ Meeting and Related Meetings (SOM2) at Ministers Responsible for Trade Meeting (MRT).

Napag-alaman na ang SOM2 ay kadugtong ng APEC discussions na ginanap sa Manila at Clark Pampanga noong nakaraang December at February.

Kaugnay nito inaasahang pag-uusapan ng mga delegado ang Regional Economic Integration, SMEs’ Participation in Regional and Global Markets, Investment in Human Resource Development, at Building Sustainable at Resilient Communities.

Kasama rin dito ang trade at investment liberalization, business facilitation, at economic cooperation sa field ng Oceans at Fisheries, food security, science technology and innovation, higher education, human resource development, emergency preparedness, internet economy, connectivity, economic and technical cooperation structural reform, counter-terrorism telecommunication, tourism, at trade sa serbisyo.

Samantala, tema naman ng APEC summit ngayong taon ay “Building Inclusive Economics, Building a Better World”.

No comments:

Post a Comment