Posted May 7, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hirap umano ang ilang mga security forces kagaya ng PNP
na naka-deploy ngayon sa Boracay para sa APEC Senior Officers meeting sa
susunod na linggo.
Ito’y dahil sa karamihan sa tinatayang pitong libong
security forces ay nahihirapan sa kanilang matutulugan at hirap sa paggamit ng
palikuran sa mga paaralan sa Boracay kung saan ito ang ang inilaang quarters
para sa kanila.
Ayon naman kay Malay District Supervisor Jessie Flores,
bago umano e-deploy ang nasabing mga pulis ay nagkaroon sila ng pagpupulong ng
Lokal na Pamahalaan ng Malay tungkol dito.
Sinabi niya umano rito na apat hanggang limang banyo lang
ang gumagana sa mga paaralan lalo na sa Manoc-manoc kung saan ngayon tumutuloy
ang mga pulis ngunit hindi na umano saklaw ng DepEd ang mga personal na
pangangailan ng mga security forces katulad ng kanilang higaan.
Nag-umpisa ang lahat ng mabahala ang ilan sa mga
principal ng mga paaralan dahil fully-utilize na ang mga silid-aralan at marami
pa ang parating na mga pulis.
Kapansin-pansin din nitong araw nakaraang araw ng Lunes
Mayo 4 na karamihan sa mga pulis ay naghanap pa ng matutuluyang bahay o
boardinghouse at ayon sa mga ito personal na nilang pera ang gagamitin.
Nabatid na karamihan sa mga otoridad ay mula sa PNP
Regional command 6 na may pinakamaraming personnel na aabot ng halos 3,000.
Tinataya namang umabot sa 7,000 personnel ang magbabantay
sa seguridad ng mga lalahok sa APEC sa Boracay na kinabibilangan ng mga pulis,
army, navy, coastguard at air force.
No comments:
Post a Comment