Posted May 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Hati ang reaksyon ng mga miyembro ng Malay Sea and Land
Hauler tungkol sa ipinalabas ng LGU Malay na pansamantalang schedule sa
pag-deliver ng perishable goods sa Boracay.
Ayon kay Malay Sea and Land Hauler Chairman Mr. Edgar
Marasigan, kalahati umano sa kanilang mga miyembro ay hindi pabor sa bagong sistemang
ito dahil sa apektado ang kanilang mga negosyo.
Ngunit para kay Marasigan pabor siya rito dahil minsan
lang itong mangyari sa Boracay at upang masiguro umano ang kaligtasan ng lahat
ng delegado ng APEC meeting.
Nabatid na inilabas ng Malay Transportation Office ang kautusang
ito para sa APEC meeting sa susunod na linggo kung saan simula ngayon
hanggang sa Mayo 28 ay ipinagbabawal ang lahat ng delivery truck sa Boracay na
mag-deliver tuwing day-time at pinapayagan lamang sila tuwing alas-12 ng hating
gabi hanggang ala-5 ng madaling araw.
Maliban dito nilinaw naman ni Marasigan na ang maaari
lamang e-deliver tuwing araw ay ang mga soft drinks, bigas, grocery at mga
pagkain ngunit kinakailangan lamang itong ikarga sa top down o multicab kalakip
ang resibo kung saan ito dadalhin.
Samantala, ilang residente umano ang hindi pabor sa
sistemang ito lalo na sa brgy. Manoc-manoc malapit sa cargo area dahil
naiistorbo umano ang kanilang pagtulog sa tuwing oras na ng pag-deliver ng mga
truck.
No comments:
Post a Comment