Posted May 9, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Tiniyak ni Boracay Life Guard Commander Mike Labatiao na
hindi apektado ng APEC ministerial meeting ang mga water sports activities sa
Boracay.
Ayon kay Labatiao, hindi umano totoo ang mga
bali-balitang pansamantalang ipapatigil ang mga water sports at island
activities sa Boracay sa kasagsagan ng APEC ngayong buwan.
Sinabi nito na walang pagbabago sa nasabing activities
dahil kung saan umano nakatalaga ang selling area ay doon parin umano ito
hanggang ngayon.
Nabatid kasi na may mga owner ng water sport activities
sa Boracay ang nag-aakala na ito ay kinansila dahil sa halos dalawang libong
delegado na kalahok sa nasabing meeting.
Samantala, mahigpit namang binabawalan ng Lokal na
Pamahalaan ng Malay ang mga commissioner sa station 2 beach front sa kanilang
ginagwang selling of activities dahil sa may nakalaan umanong area sa kanila sa
station 1 at station 3.
No comments:
Post a Comment