Pages

Tuesday, May 05, 2015

Mga miyembro ng Hualer Coop hati ang reaksyon sa bagong schedule ng delivery sa Boracay

Posted May 5, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Image result for delivery truck sa BoracayHati ang reaksyon ng mga miyembro ng Malay Sea and Land Hauler tungkol sa ipinalabas ng LGU Malay na pansamantalang schedule sa pag-deliver ng perishable goods sa Boracay.

Ayon kay Malay Sea and Land Hauler Chairman Mr. Edgar Marasigan, kalahati umano sa kanilang mga miyembro ay hindi pabor sa bagong sistemang ito dahil sa apektado ang kanilang mga negosyo.

Ngunit para kay Marasigan pabor siya rito dahil minsan lang itong mangyari sa Boracay at upang masiguro umano ang kaligtasan ng lahat ng delegado ng APEC meeting.

Nabatid na inilabas ng Malay Transportation Office ang kautusang ito para sa APEC meeting sa susunod na linggo kung saan simula ngayon hanggang sa Mayo 28 ay ipinagbabawal ang lahat ng delivery truck sa Boracay na mag-deliver tuwing day-time at pinapayagan lamang sila tuwing alas-12 ng hating gabi hanggang ala-5 ng madaling araw.

Maliban dito nilinaw naman ni Marasigan na ang maaari lamang e-deliver tuwing araw ay ang mga soft drinks, bigas, grocery at mga pagkain ngunit kinakailangan lamang itong ikarga sa top down o multicab kalakip ang resibo kung saan ito dadalhin.

Samantala, ilang residente umano ang hindi pabor sa sistemang ito lalo na sa brgy. Manoc-manoc malapit sa cargo area dahil naiistorbo umano ang kanilang pagtulog sa tuwing oras na ng pag-deliver ng mga truck.

No comments:

Post a Comment