Posted May 13, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Photo from Globososo.com |
Sumabak sa malawakang clean up sa Boracay ang mga law
enforcers at LGU Malay kaninang umaga.
Mula station 3, nasaksihan ng mga turista hanggang beach
front ng Central Boracay ang mga kapulisan, Philippine Army, Bureau of Fire,
Philippine Coastguard, Boracay Solid Waste Action Team at iba pang law
enforcers na naglilinis ng dalampasigan.
Dahil dito, saku-sakong basura katulad ng plastic, upos ng
sigarilyo, bote, at iba pa ang nakolekta sa mismong command center ng Boracay
Action Group sa station 2.
Ayon kay Malay Mayor John Yap, mistulang ‘exercise’ ng mga law enforcers ang nasabing clean
up habang hindi pa gaanong mainit ang APEC ministerial meeting sa Boracay.
Samantala, ipinaliwanag din umano ng alkalde sa mga law
enforcers ang tungkol sa environment awareness program ng LGU Malay para sa
isla ng Boracay.
Kaugnay nito, nabatid na iba’t-ibang programa din ang
nakatakdang ganapin sa isla sa darating na Biyernes sa pagsisimula naman ng
taunang Boracay Day, tuwing ika-18 ng Mayo.
No comments:
Post a Comment