Pages

Wednesday, May 13, 2015

Mga law enforcers at LGU Malay, sumabak sa malawakang clean up sa Boracay

Posted May 13, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay

Beach Clean Up
        Photo from Globososo.com
Sumabak sa malawakang clean up sa Boracay ang mga law enforcers at LGU Malay kaninang umaga.

Mula station 3, nasaksihan ng mga turista hanggang beach front ng Central Boracay ang mga kapulisan, Philippine Army, Bureau of Fire, Philippine Coastguard, Boracay Solid Waste Action Team at iba pang law enforcers na naglilinis ng dalampasigan.

Dahil dito, saku-sakong basura katulad ng plastic, upos ng sigarilyo, bote, at iba pa ang nakolekta sa mismong command center ng Boracay Action Group sa station 2.

Ayon kay Malay Mayor John Yap, mistulang ‘exercise’ ng mga law enforcers ang nasabing clean up habang hindi pa gaanong mainit ang APEC ministerial meeting sa Boracay.

Samantala, ipinaliwanag din umano ng alkalde sa mga law enforcers ang tungkol sa environment awareness program ng LGU Malay para sa isla ng Boracay.

Kaugnay nito, nabatid na iba’t-ibang programa din ang nakatakdang ganapin sa isla sa darating na Biyernes sa pagsisimula naman ng taunang Boracay Day, tuwing ika-18 ng Mayo.

No comments:

Post a Comment