Posted May 15, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Bumaba ang crime rate sa isla dahil sa APEC.
Bagama’t wala pang opisyal na tala, kampanteng sinabi ni
Boracay PNP Chief P/SInsp.Frensy Andrade na malaki ang naitulong ng ipinadalang
augmentation forces ngayon sa isla upang bumaba ang kriminalidad.
Magkaganon paman, sinabi pa ni Andrade na patuloy nilang
tinututukan ang mga nakawan at ilan pang kriminalidad sa isla upang mapanatili
ang kaayusan at kaligtasan ng mga turista.
Katunayan, base sa report ng Boracay PNP, isang suspek sa
pagnanakaw sa British at American National sa isla ang nahuli sa isang follow
operation kamakailan lang at sinampahan na ng kaso dahil sa pinaigting na
pagkilos ng mga otoridad laban sa krimen.
Samantala, daan-daang pulis ngayon ang ipinakalat ng PRO 6
upang bantayan ang seguridad ng mga APEC delegates sa Boracay.
No comments:
Post a Comment