Posted May 15, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
YES FM FILE |
Walang pinatigil na biyahe.
Ito ang iginiit ni SB Member Rowen Aguirre kasunod ng
kumalat na kuwento kaugnay ng pagpapahinto umano ng biyahe ng mga trisekel sa
isla dahil sa APEC meeting sa Boracay.
Sa halip na ipinatigil, sinabi ni Aguirre na may mga ‘adjustments’ pa ngang ginawa
sa main road ng Boracay upang maibsan ang mabigat na daloy ng trapiko.
Katulad na lamang umano ng traffic rerouting ngayon sa mga
piling ‘lane’ na maaaring ipagpatuloy na pagkatapos ng APEC.
Kaugnay parin nito, ikinadismaya naman ni Aguirre
ang balitang pinatitigil din umano ang bihaye ng bangka sa isla.
Samantala, magugunitang pinasinungalingan din mismo ng
BLTMPC o Boracay Land Transport Multi-Purpose Cooperative na walang biyahe ang
kanilang mga trisekel papuntang Puka Beach sa Barangay Yapak dahil sa APEC
Ministerial meeting.
No comments:
Post a Comment