Posted May 12, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
Ayon kay Special Operation Officer III Jean Pontero ng
Caticlan Jetty Port, intact parin ang security measures sa pantalan hindi
lamang para sa regular na operasyon, kungdi para sa mga delegates ng nasabing
ministerial meeting.
May hiwalay umano kasing ‘lane’ upang hindi maghalo ang
mga regular na turista at ang mga delegates na may mga kasamang APEC-NOC o
National Operations Committee.
Kaugnay nito, sinabi pa ni Pontero na ‘smooth’ naman ang
kanilang operasyon.
Samantala, maliban sa Caticlan Jetty Port,
kapansin-pansin namang tinututukan ng pinagsanib na puwersa ng mga law
enforcers ang traffic sa Balabag main road.
Magugunitang dumating dito sa isla ng Boracay ang mga
APEC o Asia Pacific Economic Cooperation delegates nitong Linggo para sa
kanilang ministerial meeting.
No comments:
Post a Comment