Posted May 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Pinatigil ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay at ng
Municipal Planning ang ginagawang construction sa gilid ng Lake Town na
pagmamay-ari ng isang resort sa Boracay.
Ito’y matapos na makitaan ng ilang paglabag katulad ng
walang building permit at kaukulang dokumento mula sa LGU Malay tungkol sa
kanilang ginagawang construction.
Kaugnay nito sinabi ni SB Member Frolibar Bautista sa
privilege hour ng 16th regular SB Session ng Malay nitong Martes na
kailangang mag-order na ng demolition para dito.
Aniya, sinuri niya ito at hinanapan ng dokumento ngunit
wala umano silang maipakita na mga permit mula sa municipal planning at
engineering office.
Samantala,sinabi naman ni Municipal Planning Officer Alma
Belehirdo na hindi umano sila ang nagbigay ng issuance sa nasabing construction
nito gayon din ang municipal engineering office.
Tanong pa ni Bautista na bakit pinahintulutan ang
nasabing construction gayong may setback na umiiral sa Boracay at ang mahigpit
na pagbabawal ng pagpapatayo ng anu mang instraktura sa gilid ng mga water
waste.
Sa ngayon nais namang tukuyin ni Bautista kung sino ang nagbigay
ng permiso dito upang pagpanagutin na
ngayon ay pinatigil na ng LGU Malay.
No comments:
Post a Comment