Posted May 13, 2015
Ni Bert Dalida YES FM Boracay
YES FM Boracay File Photo |
Partikular na ipinaabot ng alkalde ang apela sa mga
naapektuhan ng mga ipinapatupad na seguridad para sa mga APEC Delegates sa
isla.
Aminado rin kasi ang alkalde na istrikto ang pagpapatupad ng
mga nasabing security measures.
Subali’t ilang linggo lamang aniya ang APEC sa Boracay kung
kaya’t dapat umanong makipagtulungan ang lahat lalo pa’t maganda naman ang
ibabalik nito sa isla.
Samantala, iginiit din ni ‘Mayor John’ na dapat maging ‘open
minded’ ang lahat at hindi angal-angal, lalo pa’t hindi lamang dapat puro
negosyo kungdi may responsibilidad ang lahat dito sa Boracay.
Nabatid na puspusan ngayong tinututukan ng LGU Malay
katuwang ang mga law enforcers sa loob at labas ng isla upang maging maayos at
matagumpay ang mahigit dalawang linggong APEC Ministerial meeting.
No comments:
Post a Comment