Posted May 11, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sumabak na umano ang mga delegado ng Asia-Pacific
Economic Cooperation’s (APEC) sa 2nd Senior Officials’ Meeting and Related
Meetings (SOM2) sa Boracay kahapon.
Ito ang sinabi ni APEC Spokesperson at Assistant Deputy
Director General for Conference Management Services Patrick Hillado.
Ayon kay Hillado kahapon umano nagsimula ang APEC sa
Boracay Mayo 10-21 kung saan tinalakay rito ang SOM2 na ginanap sa Paradise
Garden at Crown Regency Convention Center.
Habang ang dalawang araw na Ministers Responsible for
Trade Meeting (MRT) ay nakatakda namang isagawa sa susunod na linggo Mayo
23-24.
Kaugnay nito sinabi naman ni Hillado nitong Sabado na
hindi umano sabay-sabay na dumating sa Boracay ang mga delegado at karamihan sa
mga ito ay nahuli sa nasabing meeting.
Samantala, maliban sa mga delegates dumating nadin umano
ang mga local at international media sa Boracay para e-cover ang isa sa
pinakamalaking pagtitipon ng 21 mga minister sa Asya kasama ang ibat-ibang
ahensya ng gobyerno ng bansa.
Nabatid na tinatayang isang libo hanggang dalawang libo
ang mga inaasahang delegado na kasama sa APEC ministerial meeting sa Boracay.
Samantala, sentro ng pag-uusap ng mga delegado ay kung
papaano mapalakas ng 21 bansa sa Asya ang kanilang pagtutulungan sa pamamagitan
ng usaping pang-kapayapaan, ekonomiya, teknolohiya at marami pang iba.
No comments:
Post a Comment