Posted May 13, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Nasa-mahigit limang daan palang umano ngayon ang mga
delegado ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Boracay.
Ito ang kinumpirma ni SB Member at 2015 APEC Focal Person
Rowen Aguirre sa ginanap na 16th Regular SB Session ng Malay
kahapon.
Ayon kay Aguirre tuloy-tuloy na umano ang nangyayaring ministers
meeting sa mga inilaang venue sa Boracay para sa mga delegado.
Sinabi din nito na magkakaroon ng ilang aktibidad ang mga
APEC delegates katulad ng welcome dinner kasama ang mga local officials ng
Malay.
Dagdag nito inaasahan umano ang pagsidatingan ng ilan
pang mga delegado para sa mahigit 15 araw na ministerial meeting sa Boracay.
No comments:
Post a Comment