Posted May 16, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay
Sa pamamagitan ng Aklan Provincial Tourism Office (APTO)
ang probinsya ng Aklan ay lalahok sa nalalapit na ika-13th Western
Visayas “Fiesta in The City” 2015.
Ito ay para maipakita ng mga kalahok na probinsya ang
kanilang mga local products, tourism attractions at ang kanilang kakaibang selebrasyon
ng sari-saring kapistahan sa ibat-ibang lugar o kabayanan.
Nabatid na lima pang probinsya sa Region 6 ang kasali
rito na gaganapin ngayong darating na Mayo 18-24, 2015 sa SM City Iloilo
Activity Center sa probinsya ng Iloilo.
Napag-alaman na ang Feistas in the City ay may tatlong
parte ng selebrasyon kung saan kabilang rito ang Province/Local Government Unit
(LGU) Day, Tourism at Trade Fair at Sagala (Festival Queen Parade).
No comments:
Post a Comment