YES THE BEST 911 BORACAY

Thursday, May 14, 2015

Sitwasyon ng traffic sa Boracay naging maayos umano dahil sa ginaganap na APEC

Posted May 14, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay 

Hindi itinanggi ni Malay Transportation Officer Cesar Oczon na pinuri ng Malay APEC Task Group ang kanilang tanggapan dahil sa naging magandang daloy ng trapiko sa Boracay.

Ayon kay Oczon, kahapon umano ay ipinatawag sila ng nasabing Task Group kasama ang mga department heads ng Malay na may tungkulin sa APEC sa Boracay.

Dito umano pinuri ang Transportation Office dahil sa magandang flow ng traffic sa isla kasabay ng nagpapatuloy na APEC meeting sa Boracay.

Aniya, wala naman silang natatanggap na reklamo ngayon tungkol sa trapiko maliban na lamang sa mga may-ari ng haulers sa Boracay na hindi makakapag-deliver tuwing day time dahil sa nagpapatuloy na APEC.

Muli namang iginiit ni Oczon na puweding mag-deliver tuwing araw bastat ikakaraga lamang umano ito sa top down o multicab ng sa gayon ay maiwasan ang bigat ng trapiko sa Boracay.

Sinabi pa nito na ang pag-deliver ng elongated materials ay kinakailangan umanong gawin tuwing madaling araw hanggang sa matapos ang APEC Ministerial meeting.

Samantala, patuloy parin umano nilang e-momonitor ang daloy ng trapiko sa Boracay para malaman nila kung papaano pa nila ito mapapaganda.

No comments:

Post a Comment