Pages

Friday, May 15, 2015

Construction sa gilid ng laketown sa Boracay pinatigil ng LGU Malay dahil sa mga violation

Posted May 15, 2015
Ni Jay-ar M. Arante, YES FM Boracay

Pinatigil ngayon ng Sangguniang Bayan ng Malay at ng Municipal Planning ang ginagawang construction sa gilid ng Lake Town na pagmamay-ari ng isang resort sa Boracay.

Ito’y matapos na makitaan ng ilang paglabag katulad ng walang building permit at kaukulang dokumento mula sa LGU Malay tungkol sa kanilang ginagawang construction.

Kaugnay nito sinabi ni SB Member Frolibar Bautista sa privilege hour ng 16th regular SB Session ng Malay nitong Martes na kailangang mag-order na ng demolition para dito.

Aniya, sinuri niya ito at hinanapan ng dokumento ngunit wala umano silang maipakita na mga permit mula sa municipal planning at engineering office.

Samantala,sinabi naman ni Municipal Planning Officer Alma Belehirdo na hindi umano sila ang nagbigay ng issuance sa nasabing construction nito gayon din ang municipal engineering office.

Tanong pa ni Bautista na bakit pinahintulutan ang nasabing construction gayong may setback na umiiral sa Boracay at ang mahigpit na pagbabawal ng pagpapatayo ng anu mang instraktura sa gilid ng mga water waste.

Sa ngayon nais namang tukuyin ni Bautista kung sino ang nagbigay ng permiso dito upang  pagpanagutin na ngayon ay pinatigil na ng LGU Malay.

No comments:

Post a Comment